<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d11392236\x26blogName\x3diwantyhum\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://yhumkohtoh.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttps://yhumkohtoh.blogspot.com/\x26vt\x3d-3723190585678544927', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Monday, August 07, 2006

long time no post ha!

hay nako, dito ako sa bahay.. si ted may bisita na keyboardist din. nakaka aliw. ang galing
nila. as in! pero wala lang. yung isang andito sa bahay habang pinanunuod mag jamming si
tommy at yung kaibigan ni ted sabay sigaw:

"hahaha.. walang talent! inggit!".

totoo nga naman. wala naman talaga akong talent. pag sila ay tumutugtog audience lang ako.
taga hanga lang ako sa mga kataingan nila na sana at pinangarap ko na ako rin meron.
nakakainggit nga. totoo nga ang sinasabi niya. isa lang akong taong walang talento. tsk tsk.
buti pa sila..
madami na rin nangyari sa buhay ko at buhay ng ibang tao mula sa huli kong post. nakakatamad
lang mag kwento. though gusto ko ikwento lahat.

at mga pips! sa mga nakakakilala kay phoebs, at kahit sa mga hindi. pag dasal niyo siya,
she's going to have an operation, because she has a cyst. please pray for her. hindi pa
final kung kailan ang operation pero sure na yun. please pray for her safety during the
operation and for her quick recovery afterwards. thanks..


posted at 7:25 PM
c3mments


Sunday, July 16, 2006

nabuhay ka! kabugin ng buga ng pogita!

oiii nabuhay! haha. unang una sa lahat..

happy birthday mr. ROMUALD ANGELO P. VENTURA..

haha.. oha! buo! haha. im so tired, di pa nga ako nagaaral sa geology, may long exam kami bukas. kamusta ka naman diyan diba.

lumabas kami yesterday, at ang nagsama lang ay ako, omi, migz and jake. we went to sta.lucia and rob. nakipagkita kami kay sam and her other friends. o diba closey. wala nga kami masiyado ginawa. we were supposed to watch pirates, kaso ang daming tao. so nag counter nalang kami. after nag tekken. then nagsiuwian na. pero as usual di pa ako umuwi. nakipagkita ako kay jr and angie. then we went to je's place then he went to my place to sleep here.haha. nakakamiss. ang tagal na namin di nagagawa yun. at malamang ako naman matulog kanila migz next week end. at sana makasama si omz. oha! party itech! go! haha.

at ngayong araw wala ako masiyado ginawa. kumain, matulog at manuod. batugan. o gawsh. wala na ako makwento..

ps

I PASSED THE AUDITIONS FOR U.P. SINGING AMBASSADORS. kaso im going to quit na rin, sched e. haha.


posted at 10:04 PM
c3mments


Sunday, July 02, 2006

GRABE? SOBRA? SABI?!?

haha. galing ako kanila migz kahapon. kanina lang ako nakauwi. oha, boding ito! haha. ako, si migz, jake pati yung kuya niyo yung laging magkasama. haha. astig nga e. bonding bonding! wala naman masiyado nang yari. pagdating ko dun nanunuod lang kami ni migz ng tv habang naglalaro sila ng basketball sa ps2. after nun nag laro sila ng basketball talaga. haha. mga adeek talaga sa basketball! haha. pero natalo sila.:( sayang nga e. tapos after non nag fatal frame kami. tawa ako ng tawa kanila migz. hahaha=)) tapos yung mga part nga na nakakagulat. gulat na gulat kami! haha. sabi nga ni jake mukha daw akong nangingisay. hahaha.=)) tawa talaga ako ng tawa noon! si migz pa nga napulikat. haha. basta enjoy! tapos nawalan ng ilaw sakanila. kwentuhan pa sila at ako ay na knock out. tulog kagad. sabi nga hila humihilik ako e. haha. nakakhiya tuloy.

*at ngayon si pacquiao ay nanalo na, nag sisigawan mga tao dito sa bahay*

tapos nagising nga kami kaninang umaga. diretso tv kagad. haha. napanuod namin yung isang boxer kanina na pinoy, basta gerry ata yung name. nakakabilib. haha. astig siya! grabe nga sila migz, jake at ang kuya niyang si jay e. adeek. di ako maka relate. puro sports ang labas ng bibig. haha. basketball, at boxing kadalasan. hahaha.=))

basta enjoy siya over all. gusto ko maulit muli yun! hoi migz! next time ha! haha. =)) ang kulit nga e. sabi ng kuya niya bago ako umalis, "o next saturday ulit ha. every saturday balik ka dito." haha. enjoy! gusto ko nga talaga bumalik!kung pwede nga lang e. haha.=))


posted at 2:47 PM
c0mments


Thursday, June 29, 2006

its funny how you can turn from happy to sad in just a blink of an eye..

Lumabas kami yesterday. Ako, si gie gie, omi, migz, ron, at jake ang umalis kahapon. Well, ganto ang nangyari..

I went to UP ng mga 9 ng umaga, and went to see ms. fides sa casaa canteen. I gave her the money for tommy's UPCAT form. Then went immediately to the alumni center, then disaster struck. my planned day had started to crumble. Our prof wasn't going to show up because he had a meeting. So no choice, I went to see jake kagad sa gilmore. When I arrived at gilmore, I was supposed to wait for angie, then we were supposed to look for jake together. but then she texted me and told me that she was just going to meet me at pureza station. so I ventured the vast ( alright exage yan) gilmore place. I wasn't able to find jake but I found his school, so I went back to the station and tried to contact him, then luck was on my side for a little time, he answered the fone and told me where to go. Then I found him! yehey! may kasama na ako!

then we went to pureza station na, and waited for angie there. tapos we went directly to don bosco. Pero kumain muna kami sa marketplace. And mind you, ayoko na bumalik dun. yung foodcourt nila tambayan ng mga naglalasingan at walang kamatayang yosi. yak. then after we ate we went back to don bosco to look for migz and to wait for ron. We weren't able to find migz so we waited for ron. Ron came around 2:30 and we went back to market place to wait for omi and migz's dismisal. Omi arrived around 3:15, and then we went back to don bosco only to find out that Migz has already left, so we hurried to the LRT station hoping we could still find him there, and the funny thing is, nauna pa kami!=))

then we went to sta. lucia to watch superman. maganda siya:) pangit lang pwesto namin. masyadong nasa harap. pero fun siya. natuwa naman kaming lahat. haha. ang saya din kasama nila jake at ron, patawa ng patawa. ang sasama nila promise. I thought na buong araw kahapon I would only experience happiness.

Then ng gabi pag uwi ko I tried asking her about our problem. She asked me the same question, pero I refused to answer, sabi ko nga, ako unang nag tanong e. then nag segway, naglabasan kami ng saluobin. pero natapos ang gabi ng hindi niya sinasagot ang tanong ko. at hanggang ngayon nagaantay parin ako. kung nababasa mo man to. sagutin mo na.. please..


posted at 7:33 PM
c1mments


Tuesday, June 27, 2006

ummm.. madami akong gustong ikwento..

una. ang problema na kinaharap ko ng linggo. medyo ok na ang pakiramdam ko ngayon. pero I cant help but see the signs na ayaw na nga niya, well kung ayaw mo na wala akong magagawa. sabi mo nga "BAT KO PA IPIPILIT ANG SARILI KO KUNG AYAW MO NAMAN."

grabe, nagbabasa ako ng post ni aunj kanina, nakakatuwa. gusto niya rin mag try out sa isang singing group, at ako din gusto ko! haha. gusto ko mag try sa UP SINGING AMBASSADORS. kaso gusto ko may kasama, at ang hirap din kasi ng try out date nila e, laging 5:30 - 6:30 pm. masiyadong late na. pero kung si phoebs mag try, weee! go! haha.

namimiss ko narin yung batchmates ko. mga kaibigan kong matagal ko ng hindi nakikita (except si gie gie, omi, phoebs, jill) pero kasama parin kayo.. I MISS YOU NA!

umm, si je umuwi dito ng weekend, at kahapon bago siya umalis magkasama kami. wala lang. sana bumalik na si je je dito. hmmmm..

AALIS KAMI BUKAS! weeeeee. pupunta kami sa mahiwagang school ni mikee which is DON BOSCO! haha! fun kaya! ako si gie gie, jake(pinsan ni migz), pati narin si ron(insan din ni migz) ang magkikita bukas, si migz mga four pa. Si omi kasi di pa umoo e. si phoebs ata hahabol. hehe.:)


posted at 8:48 PM
c1mments


Monday, June 19, 2006

hello!

hay nako. natapos na ang first week ko, at kanina nag simula na ang tunay na hamon ng mundo masaya yung first week, madaming bagong friends, at infairness, swerte ako sa mga guro ko, mababait talaga swear! haha.

At kanina nag simula na mag discuss yung iba, kasi last week math palang ang nag discuss. So yung umaga ko nag simula ng maganda, swerte nga ako kaninang umaga might I add. naka gm pa yung sa mga kaberx ko. Ngunit pag dating nang Math17 namin, ako'y naiinis. Hindi dahil sa guro, kung di dahil sa mga kaklase kong mayayabang. anong akala nila sa sarili nila hindi nagkakamali? peste! di nila kailangan ipamukha sakin na mali ako at mga kasamahan kong naniwala sa sagot ko. may katwiran kami. pwede ba!

at doon nagtatapos ang kainisan ko.

AY ALAM NIYO BA! UUWI SI JE FOR THE WEEK END! WEEEEEEEEEEEEEE! MAKIKITA NAMIN SIYA!:) IM SO EXCITED! MAG BIRTHDAY NARIN SI GIE GIE!:) WEEEEEEEEEEE.


posted at 7:19 PM
c2mments


Thursday, June 15, 2006

tapos na ang unang tatlong araw ng aking buhay sa unibersidad, at grabe ha. nakakapagod. grabe ha, lagi nalang 5:30am ang gising ko. at ang uwi ko mga 7 na. tsk tsk. Pero ok lang, feeling ko din dito mangyayari ang gusto ko mangyari.

..

..

..

..

PUMAYAT! hahaha. tama ba naman yun, lakad kasi ng lakad. hahaha. walang kasawa sawang lakad ang nagawa ko, tatlong araw palang ako sa UP. ano vez! ito na yun e!
Pero hindi parin puro katuwaan ang aking nararamdaman, syempre namimiss ko parin ang mga kaberx ko, mas lalo na si je na ang tagal tagal tagal taga ko nang hindi nakikita, mag iisang linggo na. at di ako sanay! pramis! sa lagi ba naman magkasama e, lagi pang nasakanila pano ba naman hindi!:(

grabe nga e, kahapon andito sa bahay si mie at chuchay, tapos ng pinagmamasdan ko sila, natandaan ko yung kami ng high school. tapos biglang dugtong pa ni mie..

.."ang buhay barkada parang jeep, isa isa ang pumapara at bumababa"..

..di group message naman daw to, dahil gusto ko iexpress sa mga kaberx ag nararamdaman ko.

tapos nagkatext kami ni gie gie. tapos biglang reply niya na..

.. "wala namang bumaba ng jeep natin e, may kanya kanya lang naman tayong bintanang sinisilipan ngayon"..

grabe nga e. miss ko na talaga sila! sana kami ay magka get together muli!

"ano mang pagsubok ang dumating
malubhang unos at masama na hangin
naguguluhan damdamin
di yan problema, di ka nagiisa.."

miss you guys.


posted at 8:17 PM
c0mments


Moi

ako si bobby, ang taong masiyahin. gusto ko kayo rin masaya. pinanganak ako sa beautiful city ng maynila. haha. mahilig akong mag laro at gustong gusto ko kasama ang mga kaibigan ko. ang saya saya mag DOTA! hahah! wala lang. iam forever happy!


Tagboard



Friends

Aia Raks angel Angela Ann Ava Aze Bianca Gwapings kami hanna Jah Jan Mania Jesz K.J. Lianne MM nina Paula Pao Riele Tintin Tricia



Archives

March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006 August 2006



Credits

© Copyright 2005. All Rights Reserved. This template (so as the images) is an Aia Raks Original and its not for sale. HAHAHA!

Images hosted by Photobucket
Blog hosted by Blogger
Message Board hosted by Cbox
Adobe Photoshop 7.0 and Notepad

BURIGADANG PADA SINAKLANG BULAWAN