Monday, June 12, 2006
ayan gard. nabura post ko.messages nalang ang ilalagay ko bago mag pasukan.
Besy-hoy besy! Gusto ko malaman mo na you've changed my life for the better. Always take care sa college. I wish you and Ivan the best of everything. Bawas bawasan mo din ang pagka moody mo sa college. At kahit hindi na tayo nagkakausap ngayon, kahit hindi na tayo nagkikita, at kahit halos lagi na tayo nagkakainitan ngayon, gusto ko malaman mo na andito lang ako para sayo lagi besy ko.
Je je-ang aking bestfriend na lalaki. Salamat sa pag tanggap mo sakin sa tahanan ninyong naging second home ko na din. At sorry na lagi kong nasisingit ang sarili ko sainyo ni Gie gie. Na lagi akong andyan kahit dapat panahon niyo lang dapat dalawa, sorry sorry talaga. At salamat na din dahil hindi mo ito minasama kahit alam kong masama na tong ginagawa ako. ingat ka rin nga pala diyan sa Baguio.
Gie gie-sa isang taon na halos lagi tayo magkasama, doon kita lubusan nakilala. Nakita ko ang iyong kabaitan, ang pagiging galante, ang iyong kakayahan, ang iyong pagiging hospitable at iba pa. Sorry din nga yung sa pagiging istorbo ko sainyo ni Je je, at salamat dahil naipamahagi mo sakin ang iyong pakiramdam tungkol dito ng maayos kahit feeling ko may karapatan ka talaga na magalit saakin. Sorry at salamat.
Ayban-ang aking sharer. Salamat Ayban sa tiwala na ibinigay mo sakin. Alam kong pinagkatiwalaan mo ako sa madaming bagay, at sana kahit isang beses hindi nasira ang tiwala mo sakin.
Mi-ang aking pinsan-dapat. Salamat sa friendship na ipinamanas. Ang galing nga e, feeling ko destined na maging magkaibigan tayo dahil ang family mo at family ko may connection. Astig talaga swear. At kahit alam ko na minsan na iilang ka sakin, salamat parin sa pag tanggap sakin bilang isang kaibigan.
Pong-ang taong gusto ko pa makilala ng lubusan. Alam kong matagal tagal din tayo nag sama, simula first year palang nakakusap na kita. Nag silbeng tulay din ako sa mga naging ka relasyon mo katulad ni anj at mie, pero kahit ganon, gusto ko parin kita makilala ng lubusan. Gusto kong makita kung ano ka talaga. At gusto ko mag sorry, dahil kahit madami ka ng naging kasalanan sakin, alam ko madami narin ako naging kasalana saiyo. Sorry sa mga panahon na yun. Salamat din sa patience na ipinakita mo sakin, kahit nasaktan na kita physically and emotionally (at sorry sorry talaga), itinuring mo parin ako bilang isang kaibigan. Salamat ng madami.
Pam-ang friendship na muntikan ng masayang. Salamat sa lahat. At sorry sa pakikialam ko sa relationship niyo. Alam kong maling makialam, pero gusto kong malaman mo na kaya ko nagawa dati yun kasi ayoko na nakikita kang nasasaktan. Sana malaman mo na hindi ko sinisira ang relationship niyo. Alam kong alam no wala naman akong makukuwa sa relationship niyo. Iniisip ko lang talaga ang iyong kasiyahan, at kung sakanya ka masaya.. then go!
Yana-my loved one. Dahil sa pag amin ko saiyo ng 2nd year hindi na tayo naging katulad ng dati. Alam kong mahirap na ibalik yun. At masaya na ako na kahit onti onti mukha naman nagiging close ulit tayo. Salamat sa memories that you've shared with me, especially ng 2nd year. Halos kalahating taon din tayo nagkasama noon.
Phoebs-ka-up! Thanks for everything. I hope that you remain the same, if not change for the better.
Aze-alam kong hindi tayo masiyado naging close, pero always remember na you've been part of my colorful life. Thanks.
At uulitin ko yung sinabi ko dati. "True friends are like diamonds, they can't be made, you have to look for them inside each and every person." Even though feeling ko some people think na dati sumisipsip lang ako (na kahit hindi totoo yun.),I want you to know na nakita ko sainyo yan. I want you to know that you're a treasure that I will forever cherish. And hopefully none of us will forget each other.
I LOVE YOU BESY.
I LOVE YOU JE JE.
I LOVE YOU GIE GIE.
I LOVE YOU AYBAN.
I LOVE YOU MI.
I LOVE YOU PONG.
I LOVE YOU PAM.
I LOVE YOU PHOEBS.
I LOVE YOU YANA.
I LOVE YOU AZE.
posted at 8:07 PM
1 Comments:
<$BlogCommentBody$>
By <$BlogCommentAuthor$>, at <$BlogCommentDateTime$> <$BlogCommentDeleteIcon$>
/BlogItemComments>