Saturday, May 27, 2006
mukha kang gago bobby, seryoso!*mukha kang gago point 1
may gusto akong tanungin sa isang tao na kakakilala ko lang. I wanted to ask him kung nakakailang ang approach ko. I mean, kung naiinis ba siya dahil makulit ako dahil lapit ng lapit, kung ako ba ay masiyadong makulit, kung ako ba ay FEELING CLOSE. gusto ko malaman dahil gusto ko ma bago kung ano man ang mali diba. Pero hindi ko mahanap ang tiempo na tanungin siya, though minsan na feel ko na oo yung sagot. alam mo yun, pakiramdaman lang. Nakakatawa lang, feeling ko masiyado lang siya mabait kaya inentertain nalang niya ako kahit feeling ko napipilitan na siya.
*mukhang kang gago point 2
ITO NA MAARAING ANG PINAKA TANGA NA GINAWA KO. mayroon kasi akong isang kaibigan na feeling ko PINIPILIT KO ANG SARILI KO SAKNYA. ngayon ko lang narealize to. (siguro kasi masiyado lang ako na attach sa mga kaibigan ko, kabilang na siya.) And perhaps I expected to much from him/her. Ang dami pa naman din naming pinag daanan ng taong to. ang dami na kasing kasalanan sakin to, though I always find it easy to forgive him/her. Ewan ko ba. Siguro kasi I though na pwede siyang mag bago, na kaya niya mag pahalaga ng pagkakaibigan. Ang impression ko kasi sakanya ay lumalapit lang pag may kailangan, though hindi siya user. USER is such a strong term, though minsan ganyan ang ipinapakita. I really can't tell what's in his/her head. I really can't say for sure na yun nga ang layunin niya kaya ayaw ko gamitin ang term na yan. SABIHIN MO SAKIN PARA MAGKAINTINDIHAN NA TAYO.
kahit ganyan ang tingin ko sakanya almost always, lapit parin ako ng lapit. ipinipilit ko parin ang sarili ko sakanya, because I know he has some good in him/her. Alam ko na kaya niyang baguhin ang mga pangit na ugali na yan. PERO NAG MUMUKHA NA AKONG TANGA. ayoko na. ayoko na! Hindi lang sa paningin ko, sa pangin din nang iba. Kung ano na nga ang sinasabi nila, though hindi harap harapan alam ko ang sinasabi nila. I'm not that dumb to pretend that nothing is wrong. hayyy..
posted at 7:42 PM
1 Comments:
<$BlogCommentBody$>
By <$BlogCommentAuthor$>, at <$BlogCommentDateTime$> <$BlogCommentDeleteIcon$>
/BlogItemComments>